“Spring Sprout” vaccine programme, sisimulan sa Dubai

2021-05-24 16:48:19  CMG
Share with:

Ayon sa balita na magkasanib na ipinalabas Mayo 23, 2021, ng Ministri ng mga Suliraning Panlabas at Kooperasyon Pandaigdig ng United Arab Emirates (UAE) at Embahadang Tsino sa nasabing bansa, opisyal na sisimulan sa Dubai ang “Spring Sprout,” Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) vaccine programme na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino para sa mga overseas Chinese.

 

Ayon sa plano, itatatag ng pamahalaan ng UAE at Tsina ang mga site upang bakunahan ang mga mahigit 16 taong gulang na Tsino na may short-term visa ng Dubai.

 

Ayon sa pinakahuling datos ng UAE, hanggang Mayo 23, 2021, 556,107 ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 1,651 ang bilang ng mga pumanaw.

“Spring Sprout” vaccine programme, sisimulan sa Dubai_fororder_bakuna

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method