Halos 450 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, itinurok na sa Tsina; mga bakunang Tsino, epektibo sa paglaban sa Indian variant

2021-05-21 12:36:37  CMG
Share with:

Sa news briefing nitong Huwebes, Mayo 20, 2021, isinalaysay ni Mi Feng, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, halos 450 milyong dosis ang kabuuang bilang ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na itinurok sa Tsina. Kabilang dito, mahigit 100 milyong dosis ang ibinakuna nitong nakalipas na 8 araw.
 

Ayon naman kay Shao Yiming, Mananaliksik ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, na epektibo ang mga umiiral na bakunang Tsino sa paglaban sa coronavirus variant na natuklasan sa India.
 

Aniya, may madaling solusyon sa pagharap sa mga bagong variant ang mga inactivated vaccine na idinedebelop ng Tsina, at mahigpit na sinusubaybayan ng lahat ng mga kaukulang departamento ang mga bagong variant. Kung lilitaw ang mga bagong variant na di-maaaring labanan ng mga umiiral na bakuna, mabilis na ilulunsad ng bansa ang mga bagong epektibong bakuna.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method