Isyu kaugnay ng Taiwan sa WHA, hindi maaaring hamunin ang prinsipyong “Isang Tsina”

2021-05-25 16:31:34  CMG
Share with:

Hindi tinanggap ng General Assembly ng 74th World Health Assembly (WHA) ang mungkahing isama ang Taiwan bilang observer o tagamasid sa WHA na iniharap ng ilang bansa.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 24, 2021, ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na ipinakita nito na ang prinsipyong “Isang Tsina” ay matatag na pangako ng komunidad ng daigdig, at hindi maaaring hamunin ito.

 

Aniya, lubos na pinahahalagahan ng Sentral na Pamahalaang Tsino ang kalusugan at benepisyo ng mga kababayan sa Taiwan.

 

Sa paunang kondisyon ng “Isang Tsina,” maayos na isinagawa ang pagsali ng Taiwan sa mga usaping pandaigdig. Itinatag sa Taiwan ang focal point para sa International Health Regulations (IHR), sa gayo’y maayos at mabuti ang komunikasyon ng impormasyon sa pagitan ng Taiwan at WHO at ibang bansa. Walang batayan ang bintang na “gap sa pandaigdigang sistema ng paglaban kontra sa epidemic.”

 

Hinimok ng Tsina ang ilang bansa na agarang itigil ang pagsasapulitika ng isyung pangkalusugan, at itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng isyu ng Taiwan.

Isyu kaugnay ng Taiwan sa WHA, hindi maaaring hamunin ang prinsipyong “Isang Tsina”_fororder_whotaiwan

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method