Coronavirus variant na may substansyal na banta sa mga umiiral na bakuna, di pa lumitaw—Puno ng WHO

2021-05-25 15:51:59  CMG
Share with:

Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-74 na World Health Assembly (WHA) nitong Lunes, Mayo 24, 2021, nang mabanggit ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na hanggang sa kasalukuyan, hindi pa lumitaw ang coronavirus variant na maaaring grabeng makapinsala sa episyensiya ng umiiral na bakuna, diagnosis at paraan ng pang-gagamot.
 

Saad niya, hindi matatapos ang pandemiya kung hindi makokontrol ang pagkalat ng virus sa bawat bansa.
 

Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na magtulungan, at magbigay ng priyoridad sa pagbabakuna ng mga grupong nasa mataas na panganib na gaya ng mga doktor, nars at matatanda.
 

Dagdag niya, maaaring magpatingkad ang Vaccines Global Access (COVAX) na pinamumunuan ng WHO ng koordinadong papel, pero napakalaki ng kakulangan sa mga tinanggap na bakuna. Dapat ipagkaloob aniya ng mga kasapi ng WHO at kompanyang nagpoprodyus ng bakuna ang mas maraming bakuna, para tulungan ang mga mamamayan ng mga bansang may katamtaman at mababang kita na mabakunahan sa lalong madaling panahon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method