Bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm, aprubado na ng WHO para sa pangkagipitang paggamit

2021-05-08 13:23:06  CMG
Share with:

Bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm, aprubado na ng WHO para sa pangkagipitang paggamit_fororder_814f6dbf2c624e3aa17d0e778d86e481-1280

 

Aprubado na ng World Health Organization (WHO) ang pangkagipitang paggamit ng bakuna ng Sinopharm ng Tsina. Ipinatalastas ito kahapon, Mayo 7, 2021.

 

Nangangahulugan itong ang naturang bakuna ay nakapasa sa pagsusuri ng WHO para sa kaligtasan, pagiging mabisa at de-kalidad. Maaari na itong gamitin sa COVAX Facility.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Direktor-Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO, na bagama’t mahalaga ang mga bakuna para sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19, hindi pa rin sapat ang paggawa at pamamahagi ng mga ito.

 

Aniya, ngayong kasali na ang bakuna ng Sinopharm sa COVAX, may 6 na aprubadong bakuna ang pasilidad na ito, para makatulong sa paglaban sa pandemiya, lalung-lalo na sa mga mahirap na bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method