Binuksan nitong Mayo 24, 2021, ang 74th World Health Assembly (WHA). Naging pokus ang mga aral ng World Health Organization (WHO) at buong daigdig kaugnay ng pagharap sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagtalakay kung paano matatapos ang pandemiya at itatag ang mas malusog, mas ligtas at mas patas na daigdig sa lalong madaling panahon at kung paano pipigilang maganap muli ang pandemiya sa hinaharap.
Bukod sa COVID-19, tatalakayin sa WHA ang target ng sustenableng pag-unlad sa larangan ng kalusugan, at Three Billion target ng WHO. Saklaw ng target ang 1 bilyong mamamayan ang magkakaroon ng universal health coverage, 1 bilyong katao ang mas mapapangalagaan sa harap ng krisis na pangkalusugan, at 1 bilyong ang higit pang mapapabuti ang kalusugan at kalagayan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos