Mahigit 200 katao, nasugatan sa banggaan ng dalawang tren ng LRT sa Kuala Lumpur, Malaysia

2021-05-25 15:47:53  CMG
Share with:

Nagbanggaan nitong Lunes, Mayo 24, 2021 ang dalawang tren ng Light Rail Transit (LRT) sa sentral na kalunsuran ng Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia.

Mahigit 200 katao, nasugatan sa banggaan ng dalawang tren ng LRT sa Kuala Lumpur, Malaysia_fororder_20210525Malaysia1

213 pasahero ang nasugatan sa nasabing aksidente, at medyo malubha ang kondisyon ng 47 sa kanila.
 

Ayon sa ulat ng Malaysian media, ang aksidenteng ito ay naganap sa loob ng subway tunnel sa lugar ng Petronas Towers, kilalang land mark sa Kuala Lumpur.

Mahigit 200 katao, nasugatan sa banggaan ng dalawang tren ng LRT sa Kuala Lumpur, Malaysia_fororder_20210525Malaysia2

Sa kasalukuyan, nailigtas ang lahat ng mga pasahero, at nagpapagamot na sa ospital.
 

Binuo ng Ministri ng Transportasyon ng bansa ang espesyal na grupo para imbestigahan ang nasabing aksidente.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method