Hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, pahihigpitin ng Malaysia sa buong bansa

2021-05-11 16:07:29  CMG
Share with:

Upang mapigilan ang malaking pagtaas kamakailan ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), palalawigin ng Malaysia sa buong bansa ang movement control order (MCO) na kasalukuyang isinasagawa sa ilang rehiyon.

Ito ang winika ni Punong Ministro Muhyiddin Yassin ng Malaysia nitong Lunes, Mayo 10, 2021.

Ayon kay Muhyiddin, magkakabisa ang nasabing restriksyon mula Mayo 12 hanggang Hunyo 7 ng kasalukuyang taon.

Sa ilalim ng MCO, pahihintulutang isaoperasyon ang lahat ng sektor ekonomiko. Ngunit, ang pagtitipong panlipunan at mga aktibidad na pampalakasan at pang-edukasyon ay ipagbabawal.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method