Ulat ng American media hinggil sa “pagkahawa minsan ng tatlong tauhan ng Wuhan Institute of Virology,” pinabulaanan ng insider

2021-05-27 14:35:11  CMG
Share with:

Ayon sa balita ng pahayagang Wall Street Journal ng Amerika nitong Mayo 23, ipinakikita ng isang ulat ng Amerika na bago kumpirmahin ng Tsina ang pagsiklab ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong Nobyembre, 2019, may malubhang sakit at pumunta sa ospital para magpagamot ang tatlong mananaliksik ng Wuhan Institute of Virology.
 

Anang ulat, dahil dito, posibleng ibayo pang manawagan ang tagalabas na komprehensibong imbestigahang kung nagmula sa laboratoryo o hindi ang coronavirus.

Ulat ng American media hinggil sa “pagkahawa minsan ng tatlong tauhan ng Wuhan Institute of Virology,” pinabulaanan ng insider_fororder_20210527Wuhan

Wuhan Institute of Virology

 

Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes sa mamamahayag ng isang insider ng nabanggit na instituto na wala siyang alam hinggil sa pinanggalingan ng naturang ulat na sinipi ng American media. Sa katunayan, walang naganap na pagkahawa sa COVID-19 sa mga mananaliksik ng kanyang insitituto.
 

Bilang tugon sa ulat ng American media, inihayag naman ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na noong ika-23 ng nagdaang Marso, inilabas na ng Wuhan Institute of Virology ang kaukulang pahayag na nagsasabing bago ang Disyembre 30, 2019, walang kontak sa coronavirus ang institutong ito. Hanggang sa kasalukuyan, walang tauhan at mananaliksik ng nasabing instituto ang nahawahan ng COVID-19.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method