Isang taon sapul nang pagkamatay ni George Floyd, tip of the iceberg lang ng diskriminasyon sa Amerika

2021-05-27 15:36:47  CMG
Share with:

Naganap muli nitong Mayo 25, 2021, isang taon sapul nang pagkamatay ni George Floyd, African American, sa kamay ng mga pulis, ang demonstrasyon sa Amerika, bilang protesta sa diskriminasyon ng lahi.

 

Kugnay nito, ipinahayag Mayo 26, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na “tip of the iceberg”lang ang insidente ni Floyd sa kalagayan ng diskriminasyon sa lahi sa loob ng Amerika.

Isang taon sapul nang pagkamatay ni George Floyd, tip of the iceberg lang ng diskriminasyon sa Amerika_fororder_zhaolijian

Aniya, sa loob ng Amerika, umiiral pa rin ang pagkapoot tungo sa Asyano, Aprikano at ibang minorya. Ayon sa pinakahuling datos ng Associated Press-NORC Center for Public Affairs Research, ang diskriminasyon sa lahi ay napakamalubhang problema sa palagay ng mga 60% na Amerikano.

 

Bukod dito, kinilala din sa taong ito ng lider ng Amerika na ang pagkapoot at diskriminasyon ay “ugly poison”na nakakasira ng lipunan ng Amerika.

 

Samantala, sinabi ni Zhao na dapat mainam na tugunan ng Amerika ang mga sarili nitong suliranin, lutasin ang problema, para idulot ang kaligtasan ng mga mamamayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method