Nag-usap nitong Huwebes, Mayo 27, 2021 sa telepono sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Foreign Secretary Dominic Raab ng Britanya.
Saad ni Wang, may matibay na pundasyon at malaking lakas-panulak ang relasyong Sino-Britaniko. Sa mula’t mula pa’y pinahahalagahan ng panig Tsino ang katayuang pandaigdig at papel ng Britanya, at nakahandang maging partner ng “Global Britain.”
Inilahad din niya ang simulain at paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Hong Kong at Xinjiang. Aniya, batay sa bukas na atityud, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na makipagpalitan sa panig Britaniko hinggil sa mga sensitibong isyu, pero dapat igalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, igalang ang landas ng pag-unlad na nagsasariling pinili ng mga mamamayang Tsino, at igalang ang karapatan ng Tsina sa paghawak sa mga suliraning panloob nang walang pakikialam na panlabas.
Inihayag naman ni Raab na malalim at matibay ang pundasyon ng relasyong Sino-Britaniko. Kahit may pagkakaiba ang dalawang bansa, nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagpalitan at makatarungang pakikipag-ugnayan sa panig Tsino, at walang humpay na pahigpitin ang pag-uunawaan, batay sa diwa ng paggagalangan at paghahanap ng magkatulad na punto habang isinasa-isang-tabi ang pagkakaiba.
Lubos na hinangaan din ng panig Britaniko ang natamong bunga ng Tsina sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Diin ni Raab, nakahanda ang Britanya na ibayo pang palalimin ang koordinasyon at kooperasyon sa panig Tsino, sa iba’t ibang larangang gaya ng kalusugang pampubliko, Belt and Road, kabuhaya’t kalakalan, pagbabago ng klima at iba pa.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), isyu ng Korean Peninsula, kalagayan ng Myanmar at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Pangulo at First Lady ng Tsina, nakiramay kaugnay ng pagyao ni Prince Philip ng Britanya
British National Passport, hindi kinikilala; karapatan ng pagsagawa ng mga hakbangin, patuloy- Tsina
Artikulong inilabas ng embahador ng Britaniya sa Tsina, panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina
CGTN, positibo sa pagkilala ng Ofcom sa karapatan nito sa pagsasahimpapawid sa Britanya