Artikulong inilabas ng embahador ng Britaniya sa Tsina, panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina

2021-03-11 10:54:36  CMG
Share with:

Artikulong inilabas ng embahador ng Britaniya sa Tsina, panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina_fororder_20210311ZhaoLijian500

Ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Marso 10, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon kay Caroline Elizabeth Wilson, embahador ng Britanya sa Tsina, tungkol sa inilabas niyang di-angkop na artikulo sa social media.

 

Ani Zhao, ang substansya ng artikulo ni Wilson ay nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Ipinakikita rin nito ang palagiang isinasagawang double standards at ideological bias ng kanluran, dagdag niyang .

 

Diin ni Zhao, responsibilidad ng mga organong diplomatiko na pasulungin ang bilateral na relasyong pangkaibigan at obligasyon ng mga diplomat ana huwag manghihimasok sa mga suliraning panloob ng bansa kung saan sila nakatalaga.

 

Ito, aniya ang esensiya ng misyong kanilang dapat tupdin.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method