Kaugnay ng International Day of UN Peacekeepers, ipinalabas nitong Mayo 29, 2021 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), ang mensaheng nagbigay-galang sa mga tauhang pamayapa.
Inulit din ni Zhang ang matatag na pangako ng Tsina sa patuloy na pagsuporta sa UN at pangangalaga sa mga tauhang pamayapa sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Sa mensahe, ipinaabot ni Zhang ang mataas na paggalang sa lahat ng tauhang pamayapa, partikular sa mahigit 4,000 tauhang pamayapa na nag-alay ng kanilang buhay para sa usaping pangkapayapaan.
Ani Zhang, ang patuloy na pagsisikap para sa kapayapaan ay pinakamabuting paggunita sa mga tauhang pamayapa.
Patuloy aniyang pangangalagaan ng Tsina ang kaligtasan ng mga tauhang pamayapa sa aktuwal na aksyon.
Noong 2002, pinagtibay ng pangkalahatang asemblea ng UN ang resolusyong nagtatakda sa Mayo 29 ng bawat taon bilang “International Day of UN Peacekeepers” bilang paggunita sa mga tauhang pamayapa na nagsakripisyo ng kanilang buhay sa usaping pangkapayapaan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio