Tsina, patuloy na makikipagkooperasyon sa iba’t ibang panig para mas mainam na mapangalagaan ang seguridad ng mga tauhang pamayapa ng UN

2021-05-26 15:56:19  CMG
Share with:

Sa hayagang debatehan ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa kaligtasan ng mga tauhang pamayapa nitong Martes, Mayo 25, 2021, buong pagkakaisang pinagtibay ng mga kasapi ng UNSC ang pahayag ng tagapangulo sa isyu ng kaligtasan ng mga tauhang pamayapa na iniharap ng panig Tsino.
 

Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang pirmihang kasaping bansa ng UNSC, patuloy na pasusulungin ng panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, ang mas mainam na pangangalaga sa seguridad ng mga tauhang pamayapa, at mas mainam na patitingkarin ang mahalagang papel ng aksyong pamayapa sa pangangalaga sa kapayapaan at seguridad ng daigdig.
 

Saad ni Zhao, ang aksyong pamayapa ng UN ay mahalagang paraan ng pangangalaga sa katiwasayan ng mundo. Sa kasalukuyan, may malinaw aniyang pagtaas ang panganib na panseguridad na kinakaharap ng mga tauhang pamayapa.
 

Kaya, kasama ng mga kasapi ng UNSC, ang pagharap aniya ng pragmatikong hakbangin ng Tsina, at pagkakaroon ng pahayag ng tagapangulo ay nagpapakita ng bagong komong palagay sa paggarantiya sa seguridad ng mga tauhang ito sa ilalim ng bagong kalagayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method