Ayon sa isang ulat na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Pampublikong Kalusugan ng Uruguay, 14 araw na pagkatapos maiturok ang ikalawang dosis ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina, 97% ang nabawas sa kaso ng mga kamatayan na dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon pa sa nasabing ulat, hanggang noong Mayo 25, 45.8% populasyon ng Uruguay ang nabigyan ng unang shot ng bakuna, samanatalang 28% naman ng populasyon ang nainiksyunan ng dalawang shot.
Salin: Lito
Pulido: Rhio