Bagong batch ng 500k bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas

2021-05-20 18:20:24  CMG
Share with:

Bagong batch ng 500k bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas_fororder_0-02-06-b44ed9a1b4f97a5627120dbecba53baf1631c8cfe7d637b93a783b630f0973a95b431ee6

 

Sa pamamagitan ng paghahatid ng commercial flight ng Cebu Pacific, dumating ngayong umaga, Mayo 20, 2021, ng Ninoy Aquino International Airport ang bagong batch ng 500,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na idinebelop ng Sinovac Biotech ng Tsina.

 

Pumunta sa paliparan si Kalihim Francisco Duque III ng Kagawaran ng Kalusugan, para tanggapin ang naturang mga bakuna.

 

Hanggang sa kasalukuyan, kinuha ng Pilipinas ang 5.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac. Kabilang dito, 4.5 milyon ang binili ng pamahalaang Pilipino, at 1 milyon ang libreng kaloob ng pamahalaang Tsino.

 

Ayon naman kay Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., sa darating na Hunyo, ihahatid sa Pilipinas ang 4.5 milyon pang dosis ng bakuna ng Sinovac.

 

Editor: Liu Kai
Photo courtesy: PNA

Please select the login method