Ayon sa resulta ng isang pananaliksik na inilabas nitong Miyerkules, Mayo 12, 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng Indonesia, umabot sa 94% ang efficacy ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac Research & Development Co., Ltd ng Tsina, sa aspekto sa pagpigil sa symptomatic infection ng mga health worker.
A health worker thumbs up after receiving a dose of China's Sinovac COVID-19 vaccine at Siloam Hospital in Jakarta, Indonesia. Jan. 14, 2021. (Xinhua/Agung Kuncahya B.)
Sa news briefing nang araw ring iyon, isinalaysay ni Pandji Dhewantara, opisyal ng Ministri ng Kalusugan ng Indonesia na namumuno sa naturang pananaliksik, na isinagawa ang pananaliksik mula noong Enero 13 hanggang Marso 18. Kasali rito ang 128,290 health workers na hindi nahawahan ng coronavirus.
Ang pananaliksik ay ginawa pagkaraang maturukan sila ng ng dalawang dosis ng bakuna ng Sinovac.
Ipinakikita rin ng resulta na 96% ang efficacy ng bakuna ng Sinovac sa pagpigil sa ospitalisasyon ng naturang mga health workers, at 98% ang efficacy sa pagpigil sa kaso ng pagkamatay na dulot ng coronavirus.
Salin: Vera
Pulido: Mac