Kasunduan sa tigil-putukan, narating ng Israel at Hamas

2021-05-21 12:12:19  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas Huwebes ng gabi, Mayo 20, 2021 ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Israel, pagkatapos ng pagtalakay ng gabineteng panseguridad ng Israel, sinang-ayunan nitong tanggapin ang kasunduan sa tigil-putukan sa Islamic Resistance Movement o Hamas, sa ilalim ng mediyasyon ng Ehipto.
 

Kinumpirma naman ng Hamas ang pagkakaroon ng nasabing kasunduan sa Israel.
 

Nagkabisa ang kasunduang ito Mayo 21, alas-2 kaninang madaling araw, local time.

Kasunduan sa tigil-putukan, narating ng Israel at Hamas_fororder_20210521HamasIsrael

Ayon sa ulat ng media ng Israel, batay sa kasunduan ng tigil-putukan, ititigil ng Israel ang air raid sa Gaza Strip. Pero kung muling ilulunsad ng Hamas ang mga rocket sa loob ng Israel, mawawalan ng bisa kaagad ang kasunduang ito, at panunumbalikin ng tropang pandepensa ng Israel ang komprehensibong aksyong militar sa Gaza Strip.
 

Ang kasalukuyang round ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel nitong nakalipas na 11 araw ay ikinamatay ng 232 Palestino sa Gaza Strip na kinabibilangan ng 65 bata. Nasawi naman ang 12 katao sa Israeli, na kinabibilangan ng 2 bata.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method