Sa kanyang pagdalo sa preskon Mayo 31, 2021, kasama ni Peter Szijjarto, Ministro sa mga Suliraning Panlabas at Kalakalan ng Hungary, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang mahirap na kalagayan sa pagitan ng Europa at Tsina ay hindi angkop sa pundamental at pangmalayuang kapakanan ng kapuwa dalawang panig.
Umaasa siyang lalo pang palalakasin ng dalawang panig ang komunikasyon at diyalogo, at aktuwal na lutasin ang mga hadlang, para patuloy na pasulungin ang bilateral na kooperasyon.
Bukod dito, inaasahan din niyang magkakasamang mapapangalagaan ng Tsina at Europa ang totoong multilateralismo, at aktuwal na pabubutihin ang pagsasa-ayos ng daigdig, tungo sa magkasamang pagtatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kamakailan, sa lunsod Guiyang ng lalawigang Guizhou ng Tsina, si Wang Yi, sa dumadalaw na ministrong panlabas ng Poland, Serbiya, Ireland at Hungary.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio