Sa ilalim ng mungkahi ng Tsina, tagapangulong bansa ng United Nations Security Coucil (UNSC) sa kasalukuyang buwan, ginanap nitong Miyerkules, Mayo 19, 2021 ang high-level open debate hinggil sa “Kapayapaan at Seguridad ng Aprika: Pagpapasulong sa Rekontruksyon ng Aprika Pagkatapos ng Pandemiya, Pagpapawi ng Ugat ng Sagupaan.”
Sa kanyang pangungulo sa pulong, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na layon ng pagtataguyod ng nasabing open debate na pasulungin ang pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa matinding hamon sa kapayapaan at kaunlaran ng Aprika na dulot ng pandemiya, pag-isahin ang komong palagay at pagsisikap, upang magkakapit-bisig na pagtagumpayan ang pandemiya, kasama ng mga bansang Aprikano.
Iniharap din ni Wang ang apat na mungkahi ng panig Tsino: una, tulungan ang Aprika sa pagpapawi ng agwat sa pagalban sa pandemiya; ika-2, tulungan ang Aprika sa pagresolba sa “peace deficit”; ika-3, tulungan ang Aprika sa pagpapaliit ng agwat na pangkaunlaran; at ika-4, tulungan ang Aprika sa pagwawasto ng di-makatarungang global governance.
Inilabas sa pulong ang pahayag ng tagapangulo ng UNSC na ipinanukala ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio