Kasama ng komunidad ng daigdig: Tsina, magsisikap para likhain ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran sa cyberspace

2021-06-02 10:43:30  CMG
Share with:

Nakumpleto kamakailan ng mga eksperto sa cybersecurity ng United Nations (UN) na kinabibilangan ng 5 pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, ang kanilang pinal na ulat tungkol sa usapin ng cyberspace.

Binigyang-diin ng ulat, na dapat tupdin ng iba’t-ibang bansa ang “UN Charter,” magsikap para mapangalagaan ang kapayapaan sa cyberspace, at igalang ang soberanya ng iba’t-ibang bansa sa larangan ng  cyberspace.

Iniharap din ng ulat ang ilang mungkahi tungkol sa kilos ng mga bansa sa cyberspace.

Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 1, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para mapasulong ang pagsasa-ayos ng cyberspace at pagbalangkas ng pandaigdigang regulasyon, upang likhain ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran sa cyberspace.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method