Inilabas nitong Miyerkules, Nobyembre 18, 2020 ng World Internet Conference ang inisyatiba hinggil sa magkasanib na pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace.
Tinukoy ng nasabing inisyatiba na dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang mas proaktibo, inklusibo at koordinadong patakaran na makakapaghatid ng benepisyo sa lahat, magpapabilis sa konstruksyon ng pandaigdigang imprastrukturang pang-impormasyon, magpapasulong sa konektibidad, at magpapa-unlad sa inobasyon ng digital economy.
Sa larangan ng cyber security, nanawagan ang inisyatibang ito na isagawa ang kooperasyon at diyalogo sa pandaigdig, panrehiyon at multilateral na antas; magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng cyberspace; pahigpitin ang estratehikong pagtitiwalaan ng iba’t ibang bansa; tutulan ang pag-atake, pananakot-dahas at blackmailing sa cyberspace; at tutulan ang pagsira sa masusing imprastrukturang pang-impormasyon o pagnanakaw ng mahalagang data ng ibang bansa, gamit ang information technology.
Salin: Vera