CMG Komentaryo: Tsina sa Amerika: isagawa ang paghahanap sa pinagmumulan ng COVID-19 kasama ng WHO sa lalo madaling panahon

2021-06-02 15:50:29  CMG
Share with:

Sa katatapos na 74th World Health Assembly (WHA), muling kinakalat ng ilang politikong Amerikano ang isyu ng pinagmulan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at hiniling ang muling pagsasagawa ng imbestigasyong pandaigdig sa Tsina.

 

Nitong mahigit 1 taong nakalipas sapul nang kumalat ang pandemiya ng COVID-19, bigo ang Amerika na pigilin at kontrolin ito.

 

Bukod pa riyan, unti-unting natutukoy ang mga kahina-hinalang punto ng Amerika na tulad ng Fort Detrick.

 

Pero, hindi isinagawa ng Amerika ang imbestigasyong pandaigdig hinggil sa naturang mga problema.

 

Sa halip, hinihimok nito ang imbestigasyong pandaigdig upang hanapin sa Tsina ang pinagmulan ng COVID-19 kasama ng World Health Organization(WHO).

 

Maliwanag ang layon ng Amerika: gusto nitong ilipat ang atensyon ng publiko at siraang-puri ang Tsina para pagtakpan ang pagkabigo nito sa paglaban sa COVID-19.

 

Dapat agarang itigil ng Amerika ang aksyong ito, at isagawa ang pananaliksik upang tunay na mahanap ang pinagmulan ng COVID-19 kasama ng WHO.

 

Tulad ng Tsina, kailangang magbigay ng ambag ang Amerika para sa paglaban sa COVID-19 ng buong daigdig.

CMG Komentaryo: Tsina sa Amerika: isagawa ang paghahanap sa pinagmumulan ng COVID-19 kasama ng WHO sa lalo madaling panahon_fororder_ruiping

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method