Sa magkahiwalay na kapasiyahang ginawa nitong Mayo 24, 2021 ng pangkalahatang komisyon at sesyong plenaryo ng ika-74 na World Health Assembly (WHA), tinanggihan ang paglalakip sa agenda ng asemblea sa mosyong iniharap ng ilang bansa tungkol sa “pag-imbita sa Taiwan na lumahok sa WHA bilang tagamasid.”
Muli nitong ipinakikita na di-puwedeng hamunin ang prinsipyong “Isang Tsina.” Tiyak na mabibigo ang anumang tangkang naghahamon sa prinsipyong ito.
Ayon sa resolusyon bilang 2758 ng pangkalahatang asamblea ng UN at resolusyon bilang 25.1 ng WHA, ang paglahok ng rehiyong Taiwan ng Tsina sa WHA ay dapat hawakan sa ilalim ng prinsipyong Isang Tsina.
Bago magbukas ang ika-74 na WHA, sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel, ipinahayag ng mahigit 150 bansa ang kanilang suporta sa panig Tsino at di-pagsang-ayon sa paglahok ng rehiyong Taiwan sa kasalukuyang WHA.
Bukod dito, ipinadala ng mahigit 80 bansa ang mensahe sa World Health Organization (WHO) bilang paggigiit sa prinsipyong “Isang Tsina” at pagtutol sa paglahok ng rehiyong Taiwan sa WHA.
Ito ang komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio