Ministeryal na pulong ng APEC, idaraos: Tsina, lubos itong inaasahan

2021-06-04 15:57:03  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idaraos Hunyo 5, 2021, ang Ika-27 Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

 

Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 3, 2021, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na inaasahan ng kanyang bansa ang pagtalakay sa tungkol sa mga mahalagang temang tulad ng magkakasamang pagharap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sistema ng multilateral na kalakalan, at iba pa.

Ministeryal na pulong ng APEC, idaraos: Tsina, lubos itong inaasahan_fororder_商务部发言人高峰

Ito aniya ay para pasulungin ang matatag na pag-ahon ng kabuhayang panrehiyon.

 

Ang pulong na ito ay ang unang ministeryal na pulong hinggil sa sistemang pangkooperasyon sa kabuhayan at kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko sa taong 2021.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method