CMG Komentaryo: APEC, susulong tungo sa Vision 2040: Tsina, magbibigay ng ambag

2020-11-22 16:48:53  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Malaysia, kasalukuyang tagapangulong bansa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), idinaos nitong Nobyembre 20 sa pamamagitan ng video link ang Ika-27 APEC Economic Leaders' Meeting.

 

Inilabas sa pulong ang "APEC Putrajaya Vision 2040," kung saan itinakda ang target na pagtatayo ng bukas, dinamiko, matatag, at mapayapang komunidad ng APEC sa taong 2040, para sa kaunlaran ng lahat ng mga mamamayan at hinaharap na hene-henerasyon.

 

Kaugnay nito, sa kanyang talumpati sa nabanggit na pulong, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga mungkahi para sa pagtatatag ng komunidad ng APEC sa 4 na aspektong gaya ng pagiging bukas at inklusibo, pag-unlad sa pagtataguyod ng inobasyon, rehiyonal na konektibidad, at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Hinahangaan din ni Xi ang diwa ng pamilyang APEC sa pamamagitan ng isang kasabihan ng Malaysia, na nangangahulugang "magkakasamang umakyat sa bundok at magkakasamang bumaba sa bangin."

 

Dagdag niya, ang kooperasyong pangkabuhayan ng APEC ay plataporma para sa mutuwal na benepisyo at win-win na pag-unlad, sa halip na larong pulitikal na zero-sum, kung saan makikinabang ang isa sa pamamagitan ng pagbagsak ng iba.

 

May kompiyansa ang lahat, na ang diwa ng pamilyang APEC ay magiging pampasigla sa iba't ibang kasapi upang magkakasamang sumulong tungo sa Vision 2040, at ang Tsina ay magbibigay ng bagong ambag para sa pagsasakatuparan ng target na ito.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method