Sa pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, idinaos kahapon, Mayo 14, 2021, ang symposium ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) tungkol sa inklusibong kalakalan at pamumuhunan.
Sa symposium, sinabi ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na habang kumakalat pa rin ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), umiiral ang malaking hamon sa inklusibong pag-unlad sa Asya-Pasipiko.
Kailangang aniyang patuloy na igiit ng APEC ang multilateralismo, itaguyod ang inklusibong pag-unlad, pasulungin ang pagtatakda ng mga bagong tuntunin para sa inklusibong kalakalan at pamumuhunan, at idulot ang mas maraming pagkakataon ng paghahanapbuhay at pag-unlad para sa kababaihan, kabataan, at mga maliit at mikrong negosyo.
Sinabi naman ni Rodrigo Yanez, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Chile na namamahala sa pandaigdigang relasyong pangkabuhayan, na bilang pagharap sa pandemiya, mahalaga ang pagpapalakas ng mga inklusibong patakaran sa kalakalan at pamumuhunan at pagpapabilis ng sustenableng pagbangon ng kabuhayan. Umaasa aniya siyang patitingkarin ng APEC ang mas malaking papel sa mga aspektong ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos