Ipinalabas Hunyo 3, 2021 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, ang plano ng pagbabahagi ng 25 milyong bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa ng daigdig.
Kabilang dito, 19 milyong dosis ang ipagkakaloob sa rehiyon ng Latin Amerika, Timog Asya, Timog Silangang Asya at Aprika; at mahigit 6 milyong dosis naman ang mapupunta sa mga partner countries at mga kapit bansa ng Amerika na malubhang naapektuhan ng COVID-19, na gaya ng Kanada, Mexico, India, Timog Korea at iba pa.
Sa kasalukuyan, dinaranas ng maraming bansa at rehiyon ang kakulangan sa bakuna kontra COVID-19, pero, sa kabila nito, higit pa sa sariling pangangailangan ang bakunang inimbak ng Amerika.
Ang “nasyonalismo sa bakuna” ng Amerika ay kinokondena sa loob mismo ng Amerika at komunidad ng daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio