Sa pamamagitan ng video link, magkahiwalay na nakipag-usap kamakailan si Liu He, Pangalawang Premyer Tsino at puno ng delegasyong Tsino sa China-U.S. Comprehensive Economic Dialogue, kina Trade Representative Katherine Tai at Kalihim Janet Yellen ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika.
Kaugnay nito, inihayag Huwebes, Hunyo 3, 2021 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sinimulan na ng dalawang bansa ang normal na pag-uugnayan sa larangan ng kabuhaya’t kalakalan.
Saad ni Gao, batay sa diwa ng pagkakapantay at paggagalangan, nagpalitan ng kuru-kuro ang magkabilang panig hinggil sa relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan, makro-situwasyon, mga patakarang panloob at iba pang isyu.
Ang pag-uusap aniya ay naging propesyonal, matapat at konstruktibo.
Magkasamang magpupunyagi ang kapuwa panig, upang pragmatikong resolbahin ang mga konkretong isyu, dagdag pa ni Gao.
Salin: Vera
Pulido: Rhio