Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes, Hunyo 3, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Abril ng taong ito, mahigit 1.56 trilyong yuan RMB (mga $US 245.21 bilyong dolyares) ang kabuuang halaga ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina, at ito ay lumaki ng 3.3% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, mga 746.21 bilyong yuan ang pagluluwas ng serbisyo, na lumaki ng 23.2%; samantalang mga 818.24 bilyong yuan naman ang pag-aangkat ng serbisyo, na bumaba ng 10%.
Pinakamabilis ang paglaki ng kalakalan sa tatlong larangang kinabibilangan ng serbisyong pinansyal, transportasyon, at insurance. Bukod dito, may pagtaas ang proporsyon ng kalakalan sa knowledge-intensive services.
Salin: Vera
Pulido: Rhio