Ayon sa estadistikang inilabas nitong Biyernes, Abril 7, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong Abril ng taong ito, 3.15 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa. Ito ay lumaki ng 26.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at 4.2% naman ang paglaki kumpara noong Marso.
Noong nagdaang kuwarter, lumaki ng 29.2% ang kalakalang panlabas ng Tsina, at nananatili itong matatag, tungo sa mas matibay at magandang direksyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac