Sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Hunyo 5, 2021, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Pham Minh Chinh ng Biyetnam, ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Biyetnam, na palakasin ang kooperasyon sa pananaliksik, pagdedebelop, at paggawa ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Dagdag ni Li, patuloy na bibigyang-tulong at susuportahan ng Tsina ang Biyetnam sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.
Umaasa rin aniya ang Tsina, na palalakasin ang rehiyonal na kooperasyong gaya ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), para pasulungin ang katatagan at pagbangon ng kabuhayan sa rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Pham, na palalakasin ng Biyetnam ang relasyon sa Tsina, at palalalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan, pamumuhunan, inprastruktura, konektibidad, at iba pa.
Sinang-ayunan din nina Li at Pham, na hawakan ng Tsina at Biyetnam ang mga isyung pandagat, batay sa mga narating na komong palagay ng dalawang bansa, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Editor: Liu Kai
Sirkulong agrikultural ng Biyetnam, lubos na nakikidalamhati sa pagpanaw ni Yuan Longping
Ika-6 na mapagkaibigang pagpapalitang pandepensa sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam, ginanap
Wang Yang, binati si Đỗ Văn Chiến sa kanyang panunungkulan bilang Presidente ng VFF
Wang Yi, bumati kay Bui Thanh Son sa kanyang panunungkulan bilang FM ng Biyetnam