Sa kanilang pag-uusap sa telepono kahapon, Hunyo 4, 2021, kapwa ipinahayag nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na magkasamang itatatag ng dalawang bansa ang modelo ng bagong relasyon ng malalaking bansa.
Sinabi ng dalawang opisyal, na komprehensibong ipapatupad ng Tsina at Rusya ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, pasusulungin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto sa post-pandemic era, at idudulot ang mas maraming bunga mula sa pagtitiwalaang pulitikal sa mataas na antas at tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Binigyang-diin din nina Wang at Lavrov ng mataas na pagtasa ang mainam na pag-unlad ng mga konkretong kooperasyon ng Tsina at Rusya, na gaya ng mabilis na paglaki ng bilateral na kalakalan, pagsisimula ng proyekto ng nuclear energy, pagkakasundo sa magkasamang pagtatayo ng international lunar research station, at iba pa.
Dagdag pa nila, patuloy at buong tatag na itataguyod ng dalawang bansa ang pandaigdigang pagkakapantay-pantay at katarungan, at pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa daigdig.
Editor: Liu Kai