Xi Jinping, nagbigay-diin sa kahalagahan ng ekolohiya sa World Environment Day

2021-06-05 16:52:06  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Hunyo 5, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa aktibidad ng World Environment Day na idinaos ng United Nations (UN) sa Islamabad, kabisera ng Pakistan.

 

Tinukoy ni Xi, na ang taong ito ay simula ng UN Decade on Ecosystem Restoration, at mahalaga para rito ang naturang aktibidad sa Pakistan na may temang "restorasyon ng sistemang ekolohikal."

 

Binigyang-diin din ni Xi ang kahalagahan ng ekolohiya. Dahil ito aniya ay may mahigpit na kaugnayan sa kasaganaan ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

 

Dagdag niya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang harmony sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, at ibinubuhos ang pinakamalaking pagsisikap para sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method