Nitong Miyerkules, Mayo 26, 2021, nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa World Judicial Conference on Environment.
Tinukoy ni Xi na ang mundo ay komong tahanan ng sangkatauhan. Dapat magtulungan at umaksyon ang iba’t ibang bansa para itatag ang magandang tahanang may harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Diin niya, iginigiit ng Tsina ang berde’t bukas na bagong ideyang pangkaunlaran na may inobasyon, koordinasyon at pamamahagi, komprehensibong pinapalakas ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at aktibong isinasali ang kooperasyon sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng buong mundo.
Samantala, tuluy-tuloy aniyang pinapalalim ng bansa ang reporma at inobasyon ng hudikatura sa kapaligiran, at inipon ang maraming kapaki-pakinabang na karanasan sa pangangalaga sa hudikatura ng kapaligirang ekolohikal.
Nakahanda ang Tsina na makipagkooperasyon sa iba’t ibang bansa at mga organisasyong pandaigdig, para magkakasamang pasulungin ang pandaigdigang pangangasiwa sa kapaligirang ekolohikal, dagdag ni Xi.
Binuksan nang araw ring iyon sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina, ang nasabing pulong. Ang tema ng pulong ay “Pagpapatingkad ng Papel ng Hudikatura, Pagpapasulong sa Sibilisasyong Ekolohikal: Magkasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang buhay ng mundo.”
Salin: Vera
Pulido: Mac