Tsina sa Pulong ng APEC: suportahan ang multilateral na kalakalan

2021-06-07 16:44:48  CMG
Share with:

Ipinahayag Hunyo 7, 2021, ni Yu Benlin, Puno ng Departamento ng mga Suliraning Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa Ika-27 Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idinaos Hunyo 5, 2021,  sinuportahan ng Tsina ang mga kompanyang Tsino ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa ibang mga kompanya, para ipagkaloob ang mas maraming bakuna para sa buong daigdig.

 

Aniya, nananawagan ang Tsina na itatag ang pinagbabahaginang kapalaran ng kalusugan ng buong sangkatauhan at pinagbabahaginang kapalaran ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Bukod dito, binigyan-diin ni Yu na ang proseso ng pagpapasulong ng sona ng malayang kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa mga kompanya sa rehiyong ito.

 

Bilang unang aktibidad ng APEC sa mataas na antas sa taong 2021, tinalakay ng mga kalahok na Ministro ng iba’t ibang bansa ang isyung kaugnay ng papel ng kalakalan para sa paghaharap ng COVID-19 at pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan. Ipinadala rin nila ang malakas na signal ng pagsuporta ng sistema ng multilateral na kalakalan.

Tsina sa Pulong ng APEC: suportahan ang multilateral na kalakalan_fororder_APEC

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method