Pagkaraan ng mahigit 4 na taong pagsisikap, natapos kamakailan ang konstruksyon ng Jingzhai Tunnel ng China-Laos Railway.
Ang Jingzhai Tunnel ay nasa loob ng lunsod Jinghong ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Dai ng Xishuangbanna, lalawigang Yunnan ng Tsina.
Ito ay may kabuuang haba na 9.5 kilomentro, at mayroong itong komplikadong geological structure.
Ang pagtatapos ng konstruksyon ng Jingzhai Tunnel ay hudyat ng pagtatapos ng lahat ng tunnel sa buong linya ng China-Laos Railway.
Ito ay naglatag ng pundasyon para sa pagsasaoperasyon ng China-Laos Railway sa katapusan ng taong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio