Unang Ginang ng Tsina, nanawagan para sa pandaigdigang pagsisikap tungo sa pagpigil at paggamot sa AIDS at tuberkulosis

2021-06-08 11:58:38  CMG
Share with:

Unang Ginang ng Tsina, nanawagan para sa pandaigdigang pagsisikap tungo sa pagpigil at paggamot sa AIDS at tuberkulosis_fororder_20210608PengLiyuan

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng virtual meeting ng World Health Organization (WHO) na may temang "Ending TB deaths among people with HIV: Step up the momentum" Lunes, Hunyo 7, 2021, ipinanawagan ni Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, ang pandaigdigang pagsisikap para pigilan at gamutin ang AIDS at tuberkulosis (TB).
 

Si Peng Liyuan ay goodwill ambassador ng WHO para sa TB at HIV/AIDS.
 

Saad ni Peng, nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig, kapansin-pansin ang natamong bunga ng pagpigil at paggamot sa AIDS at TB sa buong mundo.
 

Isinalaysay niyang unti-unting binuo ng Tsina ang mekanismo ng kooperasyon ng mga organo ng pagpigil at paggamot sa AIDS at TB, at tuluy-tuloy na nakontrol sa mababang epidemikong lebel ang AIDS.
 

Nitong nakalipas na halos 20 taon, bumaba ng mahigit 40% at 70% ang incidence rate at mortality rate ng TB, ayon sa pagkakasundo, dagdag niya.
 

Ani Peng, ang malubhang nakahahawang sakit ay komong hamong kinakaharap ng sangkatauhan, at ang pagpawi ng banta ng AIDS at TB ay komong hangarin natin.
 

Nanawagan din siyang magkakapit-bisig na umaksyon ang mga personahe ng iba’t ibang sangay ng lahat ng bansa, para palakasin ang pagpigil at pagkontrol sa AIDS at TB, at buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method