Liham ni First Lady Peng Liyuan ng Tsina, ipinaabot sa mga estudyanteng Aleman

2021-03-02 14:57:20  CMG
Share with:

Isang liham mula kay First Lady Peng Liyuan ng Tsina ang ipinaabot kamakailan ng Pasuguan ng Tsina sa Alemanya sa Burg Gymnasium High School sa Essen, Alemanya, pagkaraang matigil ang mga klase ng nasabing paaralan nang mahigit dalawang buwan dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Sa kanyang liham, binigyan ng lakas ng loob ni Ginang Peng ang mga guro at estudyante ng paaralang ito na gawin ang bagong ambag para sa pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino’t Aleman.

Liham ni First Lady Peng Liyuan ng Tsina, ipinaabot sa mga estudyanteng Aleman_fororder_20210302PengLiyuan1

Sa pamamagitan ng pasuguang Tsino, ipinaabot naman ng mga guro't estudyanteng Aleman ang mga liham kay Ginang Peng.
 

Ang Burg Gymnasium High School ay isa sa 12 pinakamatandang public high school sa Alemanya. Sapul noong 1994, binuksan ng paaralang ito ang kurso ng wikang Tsino.
 

Sa panahon ng kanyang dalaw-pang-estado sa Alemanya, kasama ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, noong Marso ng 2014, bumisita si Ginang Peng sa nasabing paaralan, at pinakinggan ang pagtuturo ng wikang Tsino doon.
 

Salin: Vera

Please select the login method