Kaugnay ng pagbisita ng 3 senador ng Amerika sa Taiwan, ipinahayag Hunyo 7, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang isyung ito.
Nagharap na aniya ng solemnang representasyon ang Tsina sa Amerika.
Ipinahayag ni Wang na ang isyung ito ay malubhang lumalabag sa prinsipyong “Isang Tsina” at regulasyon ng tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika.
Hinimok din niya ang Amerika na manangan sa patakarang “Isang Tsina” sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Sinabi niyang dapat agarang itigil ng Amerika ang opisyal na pakikipagpalitan sa Taiwan sa anumang paraan, maingat na hawakan ang mga isyun ng Taiwan para maiwasan ang pagpapadala ng maling signal sa pagsasarili ng Taiwan at magdulot ng mas maraming kapinsalaan sa relasyong Sino-Amerikano, at masira ang kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio