Kaugnay ng sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na hindi umano transparent ang Tsina sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hinimok Hunyo 7, 2021 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Amerika na itigil ang pagsasapulitika ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at itigil ang paninirang-puri sa Tsina.
Aniya, dapat mapanatili ng Amerika ang bukas at transparent na pakikitungo sa pananaliksik hinggil sa pinagmulan ng coronavirus, at anyayahan ang mga dalubhasa ng World Health Organization (WHO) na isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa Amerika.
Aniya, palagiang transparent ang Tsina sa pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus, at awtoratibo at siyentipiko ang ulat sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus na ipinalabas Marso 2021 ng WHO, diin ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio