China-Europe seminar, nakapokus sa COVID-19, karapatan sa buhay at kalusugan

2021-06-09 15:45:24  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at Paggarantiya sa Karapatan sa Buhay at Kalusugan,” ginanap Martes, Hunyo 8, 2021 sa Chongqing ng Tsina at Rome ng Italya ang 2021 China-Europe Seminar on Human Rights, kapuwa sa online at offline na plataporma.
 

Kalahok dito ang mahigit 180 mataas na opisyal, dalubhasa sa larangan ng karapatang pantao, at personahe ng iba’t ibang sirkulo mula sa mga organisasyong pandaigdig at halos 20 bansang Europeo.
 

Inihayag nilang kasabay ng mabisang pagkontrol sa pandemiya sa loob ng sariling bansa at paggarantiya sa karapatan sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan, aktibong iminungkahi ng Tsina ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan, bagay na nakapagbigay ng ambag sa paglaban ng buong mundo sa pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method