Ayon sa datos ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, nitong nakalipas na 5 taon, umabot sa 38,000 ang kabuuang bilang ng China-Europe freight trains, at ipinadala ang mga kargo sa 151 lunsod ng 22 bansang Europeo.
Samantala, 3.4 milyong Twenty-foot Equivalent Unit (TEUs) ang kabuuang bolyum ng inihatid na paninda.
Ipinakikita rin ng datos na noong nagdaang Abril, 1,218 ang kabuuang bilang ng freight trips sa pagitan ng Tsina at Europa, at inihatid ang 117,000 TEUs na paninda. Ito ay magkahiwalay na lumaki ng 24% at 33% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera
Pulido: Mac