CMG Komentaryo: Tulong na bakuna, pandaigdigang responsibilidad, hindi sandatang pulitikal

2021-06-09 16:14:58  CMG
Share with:

Ipinangako ng kasalukuyang pamahalaan ng Amerika na ibabahagi ang 80 milyong dosis na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa bago ang katapusan ng Hunyo 2021; pero, hanggang ngayon, wala pa itong anumang aktuwal na aksyon.

 

Nauna rito, ipinangako rin ng dating pamahalaan ng Amerika na ipagkaloob ang 100 milyong dolyares na pondo sa mga umuunlad na bansang, kinabibilangan ng Tsina, para tulungan silang labanan ang COVID-19; pero, walang aksyong ginawa ang Amerika sa planong ito.

 

Sa isyung kaugnay ng pagpoprodyus at pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19, iba-iba ang pananalita at aksyon ng ilang bansang kanluranin.

CMG Komentaryo: Tulong na bakuna, pandaigdigang responsibilidad, hindi sandatang pulitikal_fororder_komentaryo

Sa katotohanan, sa halip na tulungan ang ibang bansa sa paglaban sa COVID-19, isinasagawa ng Amerika ang “vaccine nationalism” at pagsasapulitika ng COVID-19.

 

Ang aksyong ito ay malubhang humadlang sa paglaban ng buong daigdig sa pandemiya.

 

Ang tulong na bakuna ay pandaigdigang responsibilidad at hindi sandatang pulitikal.

 

Dapat isagawa ng Amerika ang aktuwal na aksyon sa usaping ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method