Muling isinulong kamakailan ng panig Amerikano ang pagpapalaki ng isyu sa paghahanap ng pinag-ugatan ng coronavirus, at muling ibinaling sa Tsina ang sisi.
Halatang-halata ang kanilang pakana: sa bisperas ng pagbubukas ng World Health Assembly, inilabas muna ng Wall Street Journal ang artikulong nagsasabing mayroon itong lihim na impormasyon, at sinadya nitong ibaling sa laboratoryo ng Wuhan ang pinagmulan ng pandemiya.
Kasunod nito, pinalaki at pinalaganap ng ilang American media ang tsismis.
At sa wakas, sa katwiran ng “pampublikong presyur,” inutusan ng ilang pulitikong Amerikano ang intelligence service na imbestigahan ang isyung ito.
Ito ay kahalintulad ng “kadena ng kasinungalingan” sa isyu ng Xinjiang: una ay ang pagluluto ng kasinungalingan ng mga umano’y dalubhasa ng think tank; pangalawa ay pagpapalaki ng isyu sa pamamagitan ng media, pagbabala ng mga pulitiko at iba pa.
Komedya lang ang ginawa ng ilang Amerikano sa isyu ng paghahanap sa pinagmulan ng virus, at hinding-hindi nito malilinlang ang daigdig.
Ilang beses nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na nilalason ng pulitika ang isyu ng paghahanap sa pinaggalingan ng virus.
Pinuna naman ng maraming tagapag-analisa na lubusang kontra-siyensiya ang kautusan ng pulitikong Amerikano hinggil sa pamumuno ng intelligence service sa origin tracing investigation.
Salin: Vera
Pulido: Rhio