Tsina, suportado ang patuloy na panunungkulan ni Antonio Guterres bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN

2021-06-09 16:17:27  CMG
Share with:

Buong pagkakaisang pinagtibay Hunyo 8, 2021, ng mga miyembrog ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyong nagrerekomenda na ipagpapatuloy ni António Guterres ang kanyang panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), mula Enero 1, 2022 hanggang Disyembre 31, 2026.

Tsina, suportado ang patuloy na panunungkulan ni Antonio Guterres bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN_fororder_guteleisi

Nakatakdang pagtibayin ng UN Assembly ang resolusyon sa lalong madaling panahon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na, suportado ng kanyang bansa ang patuloy na panunungkulan ni Antonio Guterres bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN.

 

Aniya, pinapupurihan ng Tsina ang positibong papel na ginaganap ni Guterres sa pamumuno ng UN upang mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, pasulungin ang sustenableng pag-unlad, pasulungin ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at iba pang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method