Talakayan sa pagpawi ng karalitaan sa pamamagitan ng digital na teknolohiya, idinaos ng Tsina para tulungan ang Asya-Pasipiko

2021-06-09 16:16:17  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa Ika-27 Di-pormal na Pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na idaraos ng Tsina ang talakayan sa pagpapawi ng karalitaan sa pamamagitan ng digital na teknolohiya, para tumulong sa usapin ng pagpapawi ng karalitaan sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Mula Hunyo 8, hanggang Hunyo 9, 2021, idinaos sa lunsod Guiyang ng lalawigang Guizhou sa dakong timong kanluran ng Tsina, ang talakayang ito sa kapuwa online at offline na plataporma.

Talakayan sa pagpawi ng karalitaan sa pamamagitan ng digital na teknolohiya, idinaos ng Tsina para tulungan ang Asya-Pasipiko_fororder_apec

Sa ngalan ni Zhuang Rongwen, Puno ng Cyberspace Administration of China (CAC), dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Yang Xiaowei, Pangalawang Puno ng CAC.

 

Dumalo rin sa seremonya ang iba pang matataas na opisyal ng lalawigang Guizhou, at mga bansa ng APEC.

 

Bukod dito, idinaos din ang 3 seminar, at isinagawa ang field research.

 

Lumahok sa talakayan ang mga 200 personahe mula sa mga miyembro ng APEC at ibang kinauukulang oragnisasyong pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method