Sa kanyang mensahe Miyerkules, Hunyo 9, 2021, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte ang taos-pusong pagbati para sa ika-46 na anibersaryo ng pormal na pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-123 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas.
Tinukoy ni Xi, na ang mga mamamayang Tsino at Pilipino ay may napakahabang panahon ng tradisyonal na pagkakaibigan.
Aniya, nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, nananatiling malusog at matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayang ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon sa Pilipinas.
Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Pangulong Duterte para mapatibay ang relasyon ng Tsina at Pilipinas at maisakatuparan ang mas malaking win-win na resulta.
Salin: Lito
Pulido: Rhio