Ayon sa pag-aaral na ipinalabas kamakailan ng European Union Chamber of Commerce in China, 60% ng kanilang mga nakapanayam na kompanya ay may planong magpalawak ng negosyo sa Tsina sa 2021 – ang datos na ito ay lumaki ng halos 10 porsyento kumpara sa tinalikdang taon.
Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 9, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa background ng pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mundo at malubhang pag-urong ng kabuhayang pandaigdig, ang resultang nito ay lubos na nagpakita ng lakas, sigla at mabuting kinabukasan ng kooperasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
TBinigyan-diin pa ni Wang na patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang mas mabuting kapaligiran ng komersyo para sa mga kompanyang dayuhan sa Tsina na kinabibilangan ng mga kompanya ng EU.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio