Kaugnay ng pagtawag sa debatehan sa Diyeta ni Yoshihide Suga, Punong Ministro ng Hapon, ng Taiwan bilang “bansa,” ipinahayag Hunyo 10, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na labag ito sa mga prinsipyo ng 4 na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, at talikod din sa pangako ng Hapon na hindi ituring ang Taiwan bilang bansa.
Aniya, mahigpit na kinokondena ng Tsina ang naturang pananalita ni Suga, at iniharap na ang solemnang represantasyon sa Hapon hinggil dito.
Binigyang-diin ni Wang na iisa lamang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay di-magkakahiwalay na bahagi ng Tsina.
Hinimok aniya ng Tsina ang Hapon na tupdin ang pangako sa isyu ng Taiwan, hindi sabotahehin ang soberanya ng Tsina, at hindi ipadala ang maling signal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili” ng Taiwan.
Salin:Sarah
Pulido:Frank